Happy Disaster Resilience Month!

Ang DSWD ay laging handang umagapay sa lokal na pamunuan sa pagresponde o pagtugon sa mga pangangailangan ng mamayan sa panahon ng kalamidad at krisis. Isa sa mga programa ng DSWD ay ang Kalahi-CIDSS na tumutulong sa mga lokal na pamunuan lalo na sa pagharap sa krisis na dulot ng COVID-19.

Si Amador C. Portajada III, isang Municipal Disaster Risk Reduction Management Officer (MDRRMO) ng LGU Rosario sa Northern Samar ay taos pusong nagpapasalamat sa Kalahi-CIDSS sa pagbibigay ng karagdagang tulong sa kanilang bayan upang punan ang pundo sa pagsasagawa ng mga proyekto na makakatugon sa epektong dala ng pandemya.

Pagbabahagi niya , “Ang LGU ang nagsasagawa ng mga plano at unang rumeresponde kapag may mga emergency na pangyayari o emergency sa munisipyo. Ngunit ang Rosario ay fifth-class municipality lamang kaya kailangan namin ng assistance at tulong sa iba’t -bang ahensiya ng gobyerno para sa intensified disaster response sa mga barangay lalo na ngayong pandemya. Kaya malaking tulong ang Disaster Response Operations Procedure sa ilalim ng Kalahi-CIDSS program na matulungan kami upang sa madaliang pagresponde sa mga epektong dulot nitong pandemya sa mga barangay.”

Sa pagpapatupad ng Kalahi-CIDSS program ay kinikilala din ni MDRRMO ang kahalagahan na kasama ang mga ordinaryong tao sa pagplano at pagpapatakbo ng proyektong ito. “Napakagandang istratehiya ang Community-Driven Development (CDD) dahil kung galing sa grassroot yung pag identify ng needs, pag-assess ng data at pagbigay ng solutions ay mas epektibo ang implementasyon ng programa. Iyon ay ginagawa ngayon sa Kalahi-CIDSS program. Ang komunidad ay kasali sa pagpaplano at pagtukoy ng proyekto na makakatulong na tugunan ang epektong dala ng COVID-19.”

Ang DSWD Kalahi-CIDSS bilang isang CDD program ay binibigyan ng kapasidad ang komunidad na maging matatag sa panahon ng krisis o kalamidad sa pamamagitan ng pagbibigay ng boses sa mga mamayanan na magplano, magpatakbo at magsagawa ng mg proyektong tutugon sa kanilang pangangailangan.

#DSWDMayMalasakit