Nagsimula na ang DSWD Field Office VIII sa pamimigay ng Emergency Subsidy para sa mga waitlisted dito sa Eastern Visayas. Nagsagawa ng distribusyon ang mga kawani ng DSWD sa La Paz, Leyte, Caibiran, Biliran at sa Lawaan, Eastern Samar, kung saan 214 na benepisaryo ang nakatanggap ng tulong pinansyal (37 mula sa La Paz, 29 mula sa Caibiran at 148 mula sa Lawaan). Sa kabuuan, P1,070,000‬ ang naipamigay ng DSWD sa pasimulang distribusyon ng Emergency Subsidy.

Laki ang pasasalamat ng mga benepisaryo sa natanggap na ayuda. Ayon kay Marilou, na isang maybahay, “simula ng pandemic, nahinto ang aming source of income. Mahirap na ang aming sitwasyon ngayon, nawalan ng trabaho ang asawa ko at wala kaming mapagkunana ng kita. Kaya ang laki ng pasasalamat ko dahil naka-avail ako ng SAP. Salamat dahil may ganito kayong programa para sa mga tulad sa amin na naapektuhan ng pandemic. Gagamitin ko ang pera pambili ng gatas ng anak ko, bigas, vitamins, groceries namin, at para sa pang-araw-araw naming nagastos.”

Alinsunod sa Executive Order 112, hindi na kasali ang Eastern Visayas sa mga lugar na nasa ilalim ng Enhanced Community Quarantine, at dahil dito, hindi magkakaroon ng Second Tranche sa Rehiyon VIII. Magbabahagi pa rin ang DSWD ng Emergency Subsidy sa mga waitlisted na mga pamilya. Ito ang mga pamilya na eligible para sa Emergency Subsidy, ngunit hindi nakatanggap noong First Tranche.

Sa ngayon, may iskedyul na ang DSWD sa ilang mga munisipiyo dito sa Rehiyon VIII at inaasahang makakapagsimula na ang mga pay-outs sa lalong madaling panahon. Ayon kay DSWD FO VIII Regional Director Marie Angela Gopalan, “Susulatan po natin ang ating mga Mayor para makapagsimula tayo ng distribusyon sa munisipyo.”

Para sa payout sa inyong Rehiyon o sa inyong munisipyo, patuloy po tayong makipag-ugnayan sa inyong lokal na pamahalaan.

#DSWDMayMalasakit

photo credits Joshua Kempis
Joseph De la Pena
Neil Camacho