Sa kabila ng pangambang dulot ng pandemya, ang Salas Family ay nananatiling matatag sa pagharap sa krisis. Ayon kay Yolanda, ang ilaw ng tahanan, patuloy niyang pinapalago ang kanilang munting sari-sari store at nakakadagdag ito sa kanilang budget upang makabili ng kanilang araw-araw na pangangailangan.

Ang pamilyang ito, na mula sa Brgy. Cansirong, Maasin Southern Leyte, ay hinirang na 2018 Regional Huwarang Pantawid Pamilya.

Nasa gitna man ng pandemya ay hindi nakakalimutan ng Salas Family na tumulong sa mas nangangailangan. Ang kanilang ani na gulay at prutas na galing sa kanilang bakuran ay kanilang ipinamamahagi sa komunidad.

Malaki ang kanyang pasasalamat sa natatanggap na tulong pinansyal mula sa pamahalaan, dahil kahit kaunti, ay nakakapagbigay sila ng tulong sa kanilang mga kapitbahay. Isang patunay na sa kahit anumang hamon at estado ng buhay, ang pagtutulungan ay mahalaga upang maipakita ang totoong diwa ng bayanihan.

Kaisa ng pamilya Salas at mga kapwa benepisyaryo ng programa tumindig, pagpapatunay na ang Pantawid Pamilya ay kaya umahon sa kasalukuyang krisis. #SaMaSaMa tungo SA MAtatag at SA MAtagumpay na pamilya at batang Pilipino.