Bilang tugon sa krisis na dulot ng COVID-19, ang mga Parent Leaders, kasama ang kapwa nilang benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program ng Barangay Combado, Maasin City, Southern Leyte, ay bumuo ng ideya na magbigay ng tulong sa pamamagitan ng pagkalap ng mga donasyon upang ibigay sa mga pamilyang lubos na apektado ng pandemya.

Isa-isa, ang mga Parent Leaders ay nagsimulang tumanggap ng iba’t ibang mga grocery items tulad ng bigas, sardinas, pansit, asin, asukal, kape, biskwit, gatas, at tinapay. Ang lahat ng ito ay nagmula sa mapagbigay na pagbabahagi ng mga Pantawid Pamilya na kabahayan. Tinanggap nila ang lahat na maaari nilang matanggap kahit na ito ay isang lata ng sardinas, isang kilo ng bigas, isang supot ng asin o kahit na isang maliit na pack ng sabon na panglaba. Maingat nilang na-repack ang mga donasyon upang matiyak ang kumpletong hanay ng mga items sa bawat food pack. Sila ay nakalikom ng 337 food/grocery packs.

Sa tulong ng mga City Link ng DSWD, sila ay nagsagawa ng diyalogo sa mga opisyal ng Barangay Combado at karatig barangay ng Mambajao, at kanilang ipinaalam ang plano ng mga benepisyaryo ng Pantawid Pamilya na mamahagi ng mga food/grocery packs.

Positibong tumugon ang Barangay Local Government Unit at pinahintulutan silang gamitin ang barangay gymnasium bilang lugar ng nasabing pamamahagi. Tumulong din sila sa pagkilala sa mga mahihirap na pamilya na karapat-dapat na makatanggap ng mga food packs. Inuna nilang bigyan ang mga mahihirap na pamilya na nakatira sa mga baybaying lugar ng Barangay Mambajao. Karamihan sa mga ito ay mangingisda na naapektuhan ng pandemya at habagat na naging hadlang sa kanilang hanapbuhay.

Ang pamamahagi ng food/grocery pack ay nangyari sa dalawang lugar. Isa sa Mambajao gymnasium noong Hunyo 17, 2020 at ang isa pa ay ginanap sa Barangay Ibarra gymnasium noong Hunyo 22, 2020. Ang mga pangunahing protokol sa kalusugan tulad ng social distancing at pagsusuot ng face mask ay mahigpit na ipinatupad bilang pag-iingat na hakbang laban sa virus.

“Wala namu damha ang maong ayuda apan dako kaayu among pasalamat nga bisan sa ginagmay kami nakatagamtam ug hinabang diin kini kinasingkasing nilang gipaambit sa matag – usa kanamu. Dili kabayran ug dakong kantidad ang maong higayun nga bisan usab tood sa ilang kawad – on nga mao ang mag 4ps beneficiaries sila ng hatag ug gamayng tipik/bahin arun sa pagpa ambit dire kanamu sa ilang mga grasya”.

Nagpahayag din ng pasasalamat ang Barangay Local Government Unit sa inisyatibo ng mga benepisyaryo ng Pantawid Pamilya para sa kanilang aktibong pakikilahok sa komunidad. Kaisa ng Parent Leaders ng Maasin City at ng mga kapwa nila benepisyaryo ng Pantawid Pamilya na kaya natin ang pag-ahon sa kasalukuyang krisis. #SaMaSaMa tungo sa SA MAtatag at SA MAtagumpay na pamilya at batang Pilipino.