SINISIMULAN nang ipatayo sa Saint Bernard at Silago sa Southern Leyte ang quarantine at isolation facilities na proyekto ng komunidad sa ilalim ng DSWD Kalahi-CIDSS program.

Ang quarantine facility sa Saint Bernard ay nagkakahalaga ng Php 10 M na pakikinabangan ng 30 barangays. Samantala, nasa Php 4.9 M naman ang isinasagawang isolation facility sa Silago para sa 15 barangay nito. Kasama rin sa pundo ang pagbibigay ng medical supplies, amenities at iba pang equipments.

Ilalaan ang mga proyektong ito para sa mga Locally Stranded Individuals (LSIs) at mga COVID-19 patients ng mga nasabing bayan.

Inaasahan naman na sa Oktubre taong kasalukuyan matatapos ang mga proyektong ito.

Ang Kalahi-CIDSS program ng DSWD ay umaagapay sa mga lokal na pamunuan sa pamamagitan ng pagpopondo ng mga proyekto kung saan mga mamayanan ang tumutukoy, nagpapasya at namamahala.

#DSWDMayMalasakit#MagKalahiTayoPilipinas#ThisIs8!(credits: DSWD A/MCT Saint Bernard & Silago So. Leyte)