Inireport ng Crisis Intervention Unit (CIU) ng DSWD Rehiyon Otso na namigay nitong nakaraang dalawang araw, ang opisina ng tig dos mil pesos sa 71 draybers ng Hatid Tulong. Umabot ng Php142,000.00 ang naibuhos na pondo ng opisina.

Nireport ni Irene Permejo, ang namumuno ng CIU, na dagdag sa tulong pinansiyal ay family food packs, na siyang pinamigay rin sa 766 Locally Stranded Individuals (LSIs) na nakasakay sa mga bus nitong linggong ito papunta dito sa Leyte.

Ang mga social workers ng CIU ay 24 oras na nagduduty sa opisina ng Office of the President para sa Hatid Tulong Initiative sa Government Center sa Candahug, Palo.

Ipinahayag ni DSWD Regional Director Marie Angela Gopalan na buo ang suporta ng ahensiya sa programang ito ng Administrasyon. Nagpapasalamat siya sa ibang opisina ng gobyerno na katuwang ng DSWD sa paghahatid ng tulong sa mga LSIs.#