Bigas, pagkain at gamot.

Kadalasan, ito ang pangangailangan ng mga benepisaryo ng Social Amelioration Program. At sa pagsusumikap ng DSWD, ng mga lokal na pamahalaan, at ng Starpay, 44,662 na waitlisted na benepisaryo ng Social Amelioration Program ang makakabili nitong mga pangangailangan.

Isa si Mang Raymundo sa mga waitlisted na benepisaryo ng SAP sa Ormoc City na nakatanggap ng P5,000 na Emergency Subsidy sa pamamagitan ng Starpay Mobile Payout. Ayon sa kanya, “Nagpapasalamat ako sa DSWD, kay nakatabang sa amo, kay lisod kaayo karon mangita trabaho. Mopalit ako ug pagkaon ug tambal sa ako asawa, kay ang akong asawa na-stroke, high blood.” (Nagpapasalamat ako sa DSWD na nakatulog sa amin, lalo na ngayon na mahirap makahanap ng trabaho. Gagamitin ko ang pera na ito para bumili ng pagkain at gamot para sa asawa ko nan a-stroke, at may high blood.)

Ngayong Agosto, nakapamahagi na ang DSWD at ang Starpay ng P223,310,000 at inaasahang madaragdagan pa ang bilang na ito habang patuloy ang mga isinasagawang payouts.

Para sa iskedyul ng distribusyon sa inyong lugar, maari pong makipag-ugnayan sa inyong LGU.

#DSWDMayMalasakit