Natanggap na ng munisipyo ng San Juan, Southern Leyte ang mga Personal Protective Equipments (PPEs) at ibang medical supplies, tools at amenities na nagkakahalaga ng Php 4.4 million. Ito ay mga proyekto ng komunidad sa ilalim ng DSWD Kalahi-CIDSS upang matulungang mabawasan ang epekto na dulot ng pandemya sa kanilang pamayanan.

Prayoridad itong maibahagi sa mga Locally Stranded Individuals (LSIs) at health workers at ibang frontliners na nangunguna sa pagharap laban sa coronavirus disease (COVID-19) sa kanilang lungsod.

Inaasahan na sisimulan ang pamamahagi ng mga ito sa 18 na barangay ngayong buwan kung makumpleto na ang delivery.

“Target na maipamahagi ang mga PPEs at ibang supplies kung makumpleto na ang delivery. Ito ay pundo mula sa first tranche at inaasahan na ang second tranche ay mai-download sa buwan ding ito matapos na makapasa ang komunidad ng mga required documents. Kahit agaran ang ating pagresponde sa pandemya ay sinisiguro pa rin natin na nasa proseso ang lahat.”, paglilinaw ni Desiree Guiuang, Kalahi-CIDSS Area Coordinator na naitalaga sa bayan ng San Juan.

Dagdag pa niya, “ Na-identify ng komunidad ang mga PPEs at ibang medical supplies bilang proyekto para dagdag tulong sa kanilang isolation facility. Hindi rin humihinto ang LGU sa pakikipag-ugnayan sa iba’t ibang ahensya ng gobyerno para sa karagdangang tulong.”

Taos-puso naman ang pasasalamat ng mga opisyales ng barangay sa DSWD sa pamamagitan ng Kalahi-CIDSS program sa patuloy na suporta.

Sambit ni Hon. Raymund Vasquez, isang punong barangay, “Walang sapat na pundo ang barangay upang matugunan ang lahat ng pangangailangan para sa pagresponde ng krisis na ito. Kaya naman ang suportang hatid ng Kalahi-CIDSS program ay tunay ngang kapaki-pakinabang sa bawat barangay para sa patuloy naming laban sa pandemya. Nagkaroon kami ng karagdagang kagamitan upang mabawasan ang epektong dulot ng virus at maging ang komunidad na involved sa pagpaplano ay nagkaroon ng dagdag kaalaman.”

Patuloy na umaagapay ang Kalahi-CIDSS program sa mga lokal na pamunuan sa pamamahala ng COVID19 crisis response sa pamamagitan ng pagpopondo ng mga proyekto. Isinigurado pa rin na ang komunidad ay kabilang sa mga plano at desisyon ng mga lokal na pamahalaan.

#DSWDMayMalasakit
#LagingHanda
#COVID-19PH
#DSWDKalahiCIDSSprogram
#MagKalahiTayoPilipinas
#ThisIs8!
Maagap at Mapagkalingang Serbisyo!

(credits: A/MCT San Juan| Catherine Cajara|Abegail Engao)