Noong Agosto 2020, muling sinimulan ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) ang pag-momonitor sa health compliance o pagsunod ng mga benepisyaryo ng 4Ps sa mga kondisyon sa nutrisyon at kalusugan. Ibig sabihin, ang pagsunod sa kondisyon sa nutrisyon at kalusugan ay muling magiging batayan upang makatanggap ng cash grants o tulong-pinansyal ang mga benepisyaryo ng 4Ps.

Ito ay alinsunod sa programa at mga panukala ng Department of Health (DOH) upang mabigyan ng kauukulang serbisyong medikal ang bawat pamilyang Pilipino.

Kaya naman, pinapaalalahanan ang mga benepisyaryo na sumangguni sa mga health centers at sa mga City/Municipal Links upang malaman at makakuha ng serbisyong-pangkalusugan sa inyong lugar.

#SamaSama nating protektahan ang ating sarili, pamilya, at komunidad laban sa COVID-19!

#DSWDMayMalasakit
#LagingHanda
#COVID19PH
#PantawidPamilyangPilipinoProgram
#4PsKayaNatin
Maagap at Mapagkalingang Serbisyo!