Aktwal na interbyu ng isang Enumerator sa isang miyembro ng household

Umabot na sa 842,730 na sambahayan ang na-asess sa ilalim ng Programa ng Listahanan o siyam napu’t pitong posyento (97%) ng 864,736 target households ang nasa database na ng DSWD.

Ang mga naencode na household assessment forms ay isasailalim ng tinatawag na Proxy Means Test o PMT para sa pagbuo ng paunang listahan ng mga mahihirap na sambahayan.

Ang PMT ay isang modelong estatistika ng tumatantiya sa kinikita ng isang sambahayan base sa mga kapansin-pansin at madaling mapatunayang katangian, gaya ng pagkakayari ng bahay, pagkakaroon ng tubig at kuryente, mga pag-aari at iba pa.

Pagkatapos nito, magkakaroon ng pagkakataon ang mga pamayanan at mga lokal na pamahalaan na repasuhin ang paunang listahan ng mga mahihirap na sambahayan na nabuo pagtapos ng paunang aplikasyon ng PMT.

Ang paunang listahan ay ipapaskil sa mga bulwagan ng barangay upang masuri ng mga residente o ng kanilang komunidad.

Bibigyan ng pagkakataon ang publiko na mag hain ng mga hinaing na nauugnay sa listahan tulad ng; pagwawasto o pag a update ng impormasyon sa sambahayan, exclusion o hindi pagiging kabilang sa listahan at paglipat ng tirahan.

Maaaring ihain ang mga hinaing sa pamamagitan ng community desks at online systems base sa iskedyul na ilalabas ng DSWD Field Office VIII.