Isinagawa ang turn-over ceremony ng pinakaunang COVID facility na naipatayo sa ilalim ng DSWD Kalahi-CIDSS program sa Eastern Visayas. Ito ay ginanap sa Brgy. Masumbang, Merida, Leyte noong September 23 ngayong taon.

Sa mensahe na ibinahagi ni Regional Director Marie Angela Gopalan ,”Ang quarantine facility na ito ay assistance ng DSWD in terms of fund and technical assistance sa lokal na pamunuan ngunit gusto kong bigyang diin na ang proyektong ito ay naisagawa dahil sa pagkakapit-bisig ng lokal na pamunuan at ng mga ordinaryong tao sa iisang adhikain na labanan ang krisis na ating nararanasan”.

Pinaabot rin niya ang kanyang pasasalamat sa mga community volunteers sa kanilang serbisyong walang kapalit at sa LGU sa patuloy na pagyakap sa programa.

Ipinahayag rin ni Municipal Mayor Engr. Rolando Villasencio ang kanyang pasasalamat sa DSWD sa patuloy nitong suporta sa mahihirap na komunidad partikular na sa Masumbang dahil ito ay upland at malayong barangay ng munisipyo.

Ang pasilidad na ito dati nang evacuation center ng munisipyo at sa tulong ng pondong ibinigay ng Kalahi-CIDSS ay ipinaayos bilang COVID facility na naglalayong makontrol ang hawaan at maprotektahan ang komunidad sa mas lalong pagkalat ng sakit.

Mayroon itong hiwalay na kwarto na nakalaan para sa mga locally stranded individuals (LSIs) ng bayan at para sa Barangay Health Emergency Response Team (BHERTS) at Regional Health Unit (RHU) staff na mangangalaga sa kanila.

Katuwang ng lokal na pamunuan at ng komunidad ang DSWD sa pagsisiguro na mabawasan ang pangamba ng mga tao sa gitna ng pandemya.

#DSWDMayMalasakit#SamaSamangItaguyodAngCDD#MagKalahiTayoPilipinas#ThisIs8!

(DSWD A/MCT MERIDA LEYTE)