Pormal nang naipamahala ang COVID facility sa Brgy. Bolusao, Lawaan Eastern Samar noong ika-25 ng Setyembre ngayong taon. Ang proyektong ito ng komunidad ay naitatag sa tulong ng programa ng DSWD Kalahi-CIDSS.

Sa mensahe ni Mayor Athene Lagrimas-Mendros, “In behalf of all Law-ananons, nagpapasalamat ako sa DSWD dahil sa patuloy na suporta nito sa pagtugon ng mga LGUs sa pandemya. Pinapasalamatan ko rin ang mga community volunteers at mga opisyales na nanguna sa pagsagawa ng proyektong ito.”

Nag-iwan din siya ng panawagan sa komunidad para sa patuloy na pangangalaga at pagkamit sa layunin ng proyekto. “Ako ay nagtitiwala na ang proyektong ito ay sama-sama ninyong mapapangalagaan katulad ng inyong pagkakapit-bisig na ito ay maipatayo.”

Ang temporary quarantine facility na ito na may kasamang medical amenities ay nakalaan para sa mga Locally Stranded Individuals (LSIs), returning Overseas Filipino Workers (OFWs), at mga residente ng mga matutukoy na barangay na may malaking porsyento na magkahawaan ng virus. Mayroon itong labing dalawang kwarto na pamamahalaan ng Rural Health Workers (RHU) katulong ang Barangay Health Emergency Response Team (BHERT).

Ang pasilidad na ito ng Bolusao ay isa lamang sa anim na ipinapatayo sa munisipyo ng Lawaan sa ilalim ng Kalahi-CIDSS program.

#DSWDMayMalasakit#MagKalahiTayoPilipinas#COVID19PH#ThisIs8!(DSWD A/MCT Lawaan Eastern Samar)