Para sa mga batang benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program noon at ngayon, iparinig ang inyong tinig at ibahagi ang inyong mga likhang sining para sa kabataang Pinoy!

Ipahayag ang inyong saloobin, opinyon, o nararamdaman gamit ang malikhaing pagsusulat o pagguhit para sa publikasyong “Likha ng Bata, para sa Bata!”

Ilan sa mga dapat malaman:
1. Walang limitasyon sa anyo o porma, basta’t maipahayag ang mensaheng nais sabihin sa mga kapwa bata at iba pang pamilyang Pilipino.

2. Kalakip ng inyong mga likhang-sining, magpasa rin ng kasagutan sa mga sumusunod na tanong:
a. Sino ako? (Pangalan, katangian, hilig, talento, atbp.)
b. Ano ang aking pangarap? (Sarili, para sa pamilya, para sa komunidad)
c. Ano ang aking mensahe para sa kapwa kabataan?

3. Maaaring isulat ang mga isusumiteng likhang-sining at sagot sa mga tanong sa anumang wika. Ngunit kung gagamit ng rehiyunal na wika, maaaring maglagay ng pagsasalin sa Filipino o Ingles. Maaaring magpatulong sa mga City o Municipal Link sa inyong lugar.

4. Ang huling araw ng pagtanggap ng mga likhang-sining sa October 23, 2020.

5. Ipasa lamang ang inyong mga likhang-sining sa nakatalagang City o Municipal Link kalakip ang maiksing pagpapaliwanag.

6. Ang mga likhang-sining ay maililimbag sa mga publikasyon na magsisilbing bahagi ng adbokasiya ng Pantawid Pamilyang PIlipino Program sa pangangalaga sa karapatan ng bawat bata na makilahok sa mga usaping pambansa. Layon din nitong magbigay-inspirasyon sa mga kapwa bata at iba pang pamilyang Pilipino.

Hihintayin namin ang inyong mga likhang sining!

#DSWDMayMalasakit
#LagingHanda
#COVID19PH
#LikhangBataParasaBata
#PantawidPamilyangPilipinoProgram
Maagap at Mapagkalingang Serbisyo!