Isa sa lubos na maasahan sa Rosario, Northern Samar si Lolo Manuel Turla.

Hindi mo aakalain na siya ay mahigit 60 anyos na, dahil sa binubuhos nitong lakas sa pagiging Kalahi-CIDSS community volunteer at pagseserbisyo bilang barangay tanod sa kanilang lugar.

Sa puso ni Lolo Manuel ay ramdam niya pa rin na pagsilbihan ang kanyang kapwa. Sabi pa niya “Kahit ako ay may edad na, ramdam ko pa rin na may lakas pa ako upang magboluntaryo at magserbisyo sa aking katungkulan sa aming barangay.”

Ang DSWD sa pamamagitan ng CDD program nitong Kalahi-CIDSS ay isinusulong na hindi batayan ang edad upang magbigay ng boses at kontribusyon sa pagpapaunlad ng pamayanan. At isa si Lolo Manuel sa nagpapatunay nito.

#DSWDMayMalasakit
#MagKALAHITayoPilipinas!
#SamsaamaNatingItaguyodAngCDD!
#NationalELderlyFamilyWeek!
#ThisIs8!