Sa pagdiriwang ng Buwan ng mga Kabataan nitong Nobyembre, pinasasalamatan natin ang mga kaagapay ng DSWD sa matagumpay na implementasyon ng Supplementary Feeding Program dito sa Rehiyon Otso.

Espesyal natin binabanggit ang mga munisipyo ng Bobon at Lavezares ng Northern Samar, sa pagsusumikap maihatid ang serbisyo sa kabataan para mabigyan ng tamang nutrisyon at kalusugan!

Saludo ang DSWD sa mga lokal na pamunuan sa pakikipagtulungan sa DSWD upang maagapan ang malnutrisyon sa mga kabataan sa gitna ng pandemya! Maraming Salamat po!

#DSWDMayMalasakit