Nagpadala ang DSWD ng 3,400 na Family Food Packs (FFPs) bilang augmentation sa patuloy na ginagawang relief operations sa Bicol. Ito ang pangunang pagpapadala ng mga FFPs para sa mga nasalanta ng sunod-sunod na bagyo sa Luzon, kasama ang Bicol at ang Cagayan.

Mula sa warehouse sa Allen, ikinarga ng DSWD at ng Philippine Army itong mga FFPs, at sa tulong naman ng Philippine Coast Guard, naitawid ito ng dagat patungo sa Bicol.

Ngayong Nobyembre sinimulan ng DSWD Eastern Visayas ang pagrepack ng 10,000 na FFPs bilang tulong sa mga naapektuhan ng bagyo sa Luzon, at bilang augmentation sa National Logistics and Resource Management Bureau ng DSWD. Sa tulong ng mga volunteer, naging mas mabilis ang produksyon nitong mga FFPs. Sa ngayon, patuloy pa rin ang produksyon ng FFPs habang hinihintay ang iskedyul ng pagpapadala ng natitirang mga FFPs.

Patuloy na nagpapasalamat ang DSWD sa mga naging katuwang nito mula sa pag-repack ng FFPs, sa transportasyon, hanggang sa pamimigay nitong mga FFPs.

#DSWDMayMalasakit

photos courtesy of Ms. Nena Getalado