Namahagi ang DSWD kamakailan ng 2,500 na Family Food Packs (FFPs) para sa mga low-income na pamilya sa 23 na barangay sa Catarman, Northern Samar. Ito ang mga barangay na isinailalim sa lockdown ng lokal na pamahalaan ng Catarman upang mapigilan ang pagkalat ng COVID 19. Kasama sa mga nasabing barangay na ito ang Acacia, Airport Village, Bangkerohan, Baybay, Calachuchi, Cawayan, Casoy, Dalakit, Ipil-ipil, Jose Abad Santos, Jose P. Rizal, Lapu-Lapu, Macagtas, Mabolo, Molave, Narra, Sampaguita, Santol, Talisay, UEP Zone 1, 2 at 3, at Yakal.

Bilang Cluster Head ng food and Non-Food Items Cluster ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDDRMC), isa sa mga tungkulin ng DSWD ang pamamahagi ng relief items sa mga naapektuhan ng sakuna, katulad nitong pandemya. Maaring mamahagi ang DSWD nitong mga relief items kapag mayroong request for augmentation mula sa mga LGU.

Bawat FFP ay may lamang anim na kilo ng bigas, mga de-lata, limang sachet ng kape at limang sachet ng cereal drink. Sapat ito para sa dalawa hanggang tatlong araw para pamilyang may limang miyembro.

Ipinagbabawal ang pagbebenta sa mga FFP.

#DSWDMayMalasakit