“Naiintindihan namin ang inyong pinagdadaanan. Naranasan na rin naming noong Yolanda noong 2013 ang inyong nararanasan ngayon. Naranasan din naming na walang-wala. Kaya magtiwala lang tayo, manalangin lang tayo na kaya natin to!” Ito ang pahayag ni Marvin, isa sa mga volunteers na naglaan ng kanyang oras para magrepack ng Family Food Packs (FFPs).

Sa ngayon, naghahanda ang DSWD Eastern Visayas, kasama ang mga volunteers, ng 10,000 na FFPs na ipapadala sa iba’t-ibang bahagi ng Luzon, bilang tugon sa pangangailangan ng mga pamilyang nasalanta ng sunod-sunod na bagyo, at bilang augmentation sa National Resource and Logistics Management Bureau ng DSWD.

Patuloy namang nagpapasalamat ang DSWD sa mga nagvolunteer sa produksyon ng FFPs, kasama ang iba’t ibang organisasyon, katulad ng Philippine National Police (PNP), Tau Gamma Phi Fraternity Tacloban Chapter, at ang ilang mga indibidwal na naglaan ng kanilang oras.

Tumatanggap pa rin ang DSWD ng mga volunteer sa produksyon ng FFPs. Kung interesadong mag volunteer, maaring i-text o tawagan ang 0919-061-6190 o 0995-934-5145 para makapagskedyul.

#DSWDMayMalasakit