Patuloy ang DSWD Eastern Visayas sa pamamahagi ng P5,000 na Emergency Subsidy ng Social Amelioration Program (SAP) sa mga waitlisted na mga benepisaryo dito sa Rehiyon. Kasama sa paghahanda para sa Bayanihan 2, sinisikap ng DSWD na matapos ang pamamahagi ng ayudang ito para sa mga waitlisted. Nagsagawa ng payout ang DSWD sa iba’t ibang mga munisipyo, kasama ang Isabel, Villaba, Ormoc City, Sta. Rita, Villareal, Marabut, Basey, at iba pa.

Sa ngayon, 63,566 na mga waitlisted na benepisaryo na ang nakatanggap ng Emergency Subsidy. Sa bilang na ito, 10,442 ang nakatanggap sa pamamagitan ng direct cash payout ng DSWD, habang 53,124 naman ang naka-claim ng kanilang Emergency Subsidy sa mga partner na remittance center. Sa kabuuan, P317,830,000 na ang naipamahagi ng DSWD.

Sa ngayon, patuloy pa rin ang pamamahagi ng Emergency Subsidy. Maari makipag-ugnayan sa mga lokal na opisyal para sa iskedyul ng payout.

#DSWDMayMalasakit