Sa pamamagitan ng Kalahi-CIDSS program ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ay nabigyan ng pagkakataon ang katulad ni Manong Boyce na makahanap ng pagkakakitaan sa gitna ng pandemya.

Isa si Manong Boyce sa 532 beneficiaries ng cash-for-work scheme sa kanilang barangay sa Gamay, Northern Samar. Ang cash-for-work na ito ay proyekto ng kanilang barangay sa ilalim ng Kalahi-CIDSS program na layuning tugunan ang epektong dulot ng krisis. Paglilinis o disinfecting sa kanilang lugar at gardening ang ginagawa nila Manong Boyce sa loob ng cash-for-work.

Ang nakuhang kita ni Manong Boyce mula sa cash-for-work ay malaking tulong aniya sa pandagdag sa kanilang gastusin araw-araw lalo na at nawalan ito ng pagkakakitaan. Ipinambili niya ito ng bigas, ulam at pangtustos sa mga gagamitin sa modular learning ng kaniyang tatlong (3) anak na nag-aaral.

“Mga ilang buwan din akong walang stable job, nagsara kasi ang pinagtatrabahoan epekto na rin ng hindi na kaya ng aking employer na lahat kami ay manatili. Kaya doble kayod ako sa paghahanap ng ibang pagkakakitaan. Kasama ng aking asawa ay naglalako kami ng mga kakanin upang may maidagdag sa aming income.”, pagbabahagi ni Manong Boyce.

Hindi lamang dahil sa direktang sweldo na kanilang nakuha sa cash-for-work ang ipinagpapasalamat ni Manong Boyce kundi dahil sa pangmatagalan na benepisyo nila mula rito. Sa ngayon ay napagkukunan na nila ng makakain ang kanilang mga naitanim gaya ng rootcrops, ampalaya, petchay at iba pa.

Ipinagmamalaki rin ni Manong Boyce na isa siyang community volunteer ng Kalahi-CIDSS. Ayon sa kanya, naniniwala siya sa adhikain ng Kalahi-CIDSS program na tinutulungan nitong maging responsable ang mga tao sa mga programa at proyektong ipinapatupad ng gobyerno.

#DSWDMayMalasakit
#MagKalahiTayoPilipinas
#ThisIs8!

(credits: DSWD A/MCT Gamay, Northern Samar)