TINGNAN: 263 na kwalipikadong pamilya ang masayang nakatanggap ng kanilang Livelihood Assistance Grant (LAG) ngayong araw sa bayan ng San Roque, Northern Samar. Ang ayuda ay ipinamahagi ng DSWD-Sustainable Livelihood Program (SLP) sa ilalim ng implementasyon ng Bayanihan Act 2. Ang bawat benepesaryo ng LAG ay nakatanggap ng P15,000.Ang LAG ay isa sa mga recovery and rehabilitation programs ng pamahalaan na may pangunahing layunin na magsilbing tugon para sa mga pamilyang kabilang sa low income o informal sector na nawalan ng pagkakakitaan o kabuhayan dulot ng community quarantine.DSWD Sustainable Livelihood ProgramKuha ni SLP-PMEO Paul Jeric Endriano#DSWDMayMalasakit#SLPSibol