Tingnan: Naging maaga ang Pasko para sa mga taga-Babatngon, Leyte matapos maipamahagi ng DSWD ang P5,000 na Emergency Subsidy ng Bayanihan 2. Sa pinakahuling tala, nakapamahagi na ang DSWD ng P37,350,000 sa 7,466 na benepisaryo sa Rehiyon VIII, at inaasahang tataas pa ang bilang na ito habang patuloy ang pamamahagi.Sa ilalim ng Bayanihan 2, maaaring makatanggap ng P5,000 na Emergency Subsidy ang mga kwalipikadong pamliya na nakatira sa mga lugar na isinailalim sa granular lockdown na tinaguriang critical zone ng Department of Interior and Local Government (DILG) at sinang-ayunan ng Regional Inter-Agency Task Force (RIATF). Kasama din ang mga kwalipikadong pamilya na hindi nakatanggap noong First Tranche.