Tingnan: Patuloy ang pamamahagi ng DSWD sa P5,000 na Emergency Subsidy ng Bayanihan 2 sa Catarman, Northern Samar. Ang mga benepisaryo sa nasabing payout ay ang mga low-income na mga pamilya na nakatira sa mga lugar na isinailalim ng granular lockdown. Kasama din ang mga kwalipikadong benepisaryo na hindi nakatanggap noong Bayanihan 1.

Sa pinakahuling tala, nakapamahagi na ang DSWD ng P36,100,000 sa 7,220 na mga benepisaryo sa buong Rehiyon. Inaasahan ng DSWD na madaragdagan pa ito habang patuloy ang mga payout.

Para sa iskedyul ng payout sa inyong munisipyo, maaring makipag-ugnayan sa lokal na pamahalaan.

#DSWDMayMalasakit

Photo credits: Ms. Nena Getalado, Jackielyn Irlandez, Louie Lim