Maaga ang Pasko para sa 1,634 na mga Bayanihan 2 beneficiaries nang nagsagawa ang DSWD ng simultaneous na distirbusyon ng P5,000 Emergency Subsidy sa iba’t-ibang mga munisipyo sa buong Rehiyon VIII.

Ayon sa tala ng DSWD noong December 12, nakapamahagi na ang ahensya ng P8,170,000 sa 1,634 na mga benepisaryo sa buong Rehiyon. Kabilang dito ang 1,169 na benepisaryo mula sa Samar, 337 mula sa Leyte, 16 mula sa Southern Leyte at 112 mula sa Biliran.

Inaasahan ng DSWD na madaragdagan pa ang bilang na ito habang patuloy na isinasagawa ang simultaneous payouts.

Ang Bayanihan 2 (Bayanihan to Recover as One Act) ay isinabatas noong September. Kabilang sa mga probisyon ng batas na ito ang pamamahagi ng Emergency Subsidy para sa mga kwalipikadong pamilyang nakatira sa mga na isinailalim sa granular lockdown. Kasama dito ang mga barangay, block, purok, street o kalye, residential building o bahay na tinaguriang nasa critical zone ng Department of Interior and Local Government (DILG) at sinang-ayunan ng Regional Inter-agency Task Force (RIATF). Kasama din ang ilang mga kwalipikadong low-income na mga pamilya sa impormal na sektor hindi nakatanggap noong First Tranche.

Para sa iskedyul sa inyong lugar, maaring makipag-ugnayan sa mga lokal na pamahalaan.

#DSWDMayMalasakit