Nagsimula na ang DSWD sa pamamahagi ng P5,000 na Emergency Subsidy sa ilang mga munisipyo sa ilalim ng Bayanihan to Recover as One Act o Bayanihan 2.

Sa ngayon, nakapamahagi na ang DSWD Eastern Visayas ng P6,760,000 na Emergency Subsidy sa 1,352 na mga benepisaryo sa buong Rehiyon. Sa bilang na ito, 1,169 ang mula sa probinsya ng Samar, 55 ang mula sa probinsya ng Leyte, 16 mula sa Southern Leyte at 112 sa Biliran.

Sa ilalim ng Bayanihan 2, mamamahagi ang DSWD ng emergency subsidy para sa mga kwalipikadong low-income na mga pamilya sa impormal na sector na nakatira sa mga lugar na isinailalim sa granular lockdown at tinaguriang critical zone. Ito ang mga maliliit na mga lugar katulad ng barangay, sitio, purok, street, at iba pa na isinailalim sa lockdown upang mapgilan ang pagkalat ng COVID19. Kasama din ang mga kwalipikadong low-income na mga pamilya sa impormal na sector hindi nakatanggap noong First Tranche.

Inaasahanag madadagdagan pa ang mga isinasagawang payout sa mga susunod na mga araw.

Para sa iskedyul ng payout sa inyong lugar, maghintay lamang sa mga updates mula sa ating lokal na mga opisyal.

#DSWDMAyMalasakit
photo credits: Rowena Paraiso