Bilang cluster head ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), isa sa mga responsibilidad ng DSWD ang paghahanda ng mga relief items bago pa man magkaroon ng sakuna. Isa ito sa mga responsibilidad nga patuloy na ginagampanan ng DSWD.

Sa ngayon, ang DSWD ay mayroong 6,867 na Family Food Packs (FFPs) na nakahanda sa iba’t-ibang lokasyon sa buong Rehiyon. Sa bilang na ito, 5,467 ang nasa mga warehouse ng DSWD sa Tacloban City at Palo, habang may nakahandang 300 na FFP sa Biliran, 300 sa Eastern Samar, 100 sa Samar at 700 sa Northern Samar. Bukod sa mga naka-box na FFPs, mayroong sapat na raw materials ang DSWD para makapag-repack ng 8,926 na dagdag na FFPs.

Lahat nang mga FFPs na ito ay handang ipadala sa mga LGU na nangangailangan ng augmentation.

Samantala, patuloy pa rin ang pagtanggap ng DSWD sa mga gustong mag-boluntir upang mag-repack ng FFPs. Para sa intereasdong mag-boluntir, maaring mag text o tumawag sa 0919-061-6190 o sa 0995-934-5145 para makapagpa-iskedyul.

#DSWDMayMalasakit

photo credits: Ad-roel Nalda