Sa pagdiriwang ng ika-70 taon ng DSWD na may temang “DSWD@70: Kabalikat ng Mahihirap sa Panahon ng Pandemya”,
ang DSWD – Sustainable Livelihood Program (SLP) kasama ang mga Local Government Units (LGUs) ay patuloy na nagbibigay ng pag-asa sa mga mahihirap ngayong panahon ng pandemya sa pamamagitan ng Livelihood Assistance Grant (LAG).

Sa pinakahuling datos ay umabot na sa 4,647 na kwalipikadong pamilyang nabibilang sa impormal na sektor at lubhang naapektuhan sa krisis na dala ng kasalukuyang pandemya ang nakatanggap ng ayuda mula sa LAG. Nagkakahalaga ng Php 60, 602, 906.40 ang naipamahaging tulong pinansyal mula sa LAG dito sa rehiyon ng Eastern Visayas.

Ang LAG ay isa sa mga recovery and rehabilitation programs ng pamahalaan na may pangunahing layunin na magsilbing tugon para sa mga pamilyang kabilang sa low income o informal sector na nawalan ng pagkakakitaan o kabuhayan dulot ng community quarantine.

“Mula sa PagSibol, hanggang sa PagSulong!”

#DSWDMayMalasakit
#SLPSibol

DSWD Sustainable Livelihood Program
Department of Social Welfare and Development