Naghahanda ang DSWD Eastern Visayas sa rumesponde sa mga munisipyong naapektuhan ng baha at landslide na dulot ng Tail-end frontal system na nanalasa dito sa Rehiyon.

Bilang paunang tulong, naglaan na ang DSWD ng 3,000 na Family Food Packs na ipapadala sa mga munisipyong humungi ng tulong mula sa ahensya. Inaasahang makakarating itong FFPs ngayong linggo.

Sa kabuuan, mayroong 5,500 na FFPs ang DSWD. Ito ay naka-preposition sa iba’t-ibang bahagi ng Rehiyon VIII para sa mabilisang pagresponde sa sakuna. Sa bilang na ito, 3,100 ang nasa DSWD Warehouses sa Leyte, 300 ang nasa Eastern Samar, 1,800 sa Northern Samar at 300 sa Biliran. May sapat ding raw materials ang ahensya para makagawa ng 11,926 na dagdag na FFPs.

Mayroong P3,000,0000 na standby fund ang DSWD na maaring magamit sa pagbili ng sangkap para makagawa ng dagdag na FFP kung kinakailangan.

Patuloy na pinapaalala ng DSWD na ang ginagawang relief augmentation ay base sa isinusumiteng request ng mga naapektuhang munisipyo. Ayon sa Local Government Code (Republic Act 7160), ang lokal na pamahalaan o ang Local Government Units ang unang rumeresponde sa mga sakuna, at maari silang mag-request ng augmentation kapag kinakailangan.

#DSWDMayMalasakit