Nakapagpadala ang DSWD Eastern Visayas ng 3,000 na Family Food Packs (FFPs) sa probinsya ng Eastern Samar. Ito ay bilang paunang pagresponde sa request for augmentation ng mga munisipyo na naaepktuhan ng baha at/o landslide dulot ng walang tigil na pag-ulan dahil sa Tail-end frontal system.

Katuwang ang Office of Civil Defense Eastern Visayas (OCD) at Department of Public Works and Highways Region VIII (DPWH), itong mga FFPs ay ipinadala mula sa warehouse ng DSWD dito sa Leyte papuntang Eastern Samar, kung saan i-tuturn-over ito sa sa Local Government Units, na siya namang magbabahagi nitong mga relief goods sa mga pamilyang naapektuhan ng sakuna.

Sa ngayon, patuloy pa rin ang paghahanda ng DSWD sakaling mayroon pang mga LGU na humingi ng augmentation. Patuloy pa rin ang paggawa at pag-stockpile ng mga FFPs dito sa Rehiyon, habang nag-request na rin ang DSWD Eastern Visayas ng karagdagang 15,000 FFPs mula sa Visayas Disaster Resource Center (VDRC) sa Cebu. Inaasahan ding makakarating itong mga FFPs sa lalong madaling panahon.

Samantala, patuloy din ang mga kawani ng Disaster Response Management Division (DRMD) ng DSWD sa pag-monitor sa sitwasyon at sa paghingi ng mga updates mula sa mga naapektuhang munisipyo.

Pinapaalala ng DSWD na ayon sa Local Government Code, ang LGUs ang unang rumeresponde sa mga sakuna, at maari silang humingi ng augmentation sa DSWD kapag kinakailangan.

#DSWDMayMalasakit