Sa tuwing nagkakaroon ng sakuna, ang laging unang sumasaklolo sa mga naapektuhan ay ang Local Government Units (LGUs). Ayon sa Republic Act 7160, ang LGU, sa pangunguna ng Local Chief Exective, ay ang itinakdang first responder sa mga sakuna. Subalit, kung kailangan nila ng dagdag na tulong, maari silang humingi ng tulong sa nasyonal na ahensya, tulad ng DSWD, na siyang nakatalaga kapag naubusan ng mapagkukunan ang lokal na pamahalaan.

Kamakailan, nagpadala ang DSWD ng Family Food Packs (FFPs) sa ilang mga LGU sa Eastern Samar, matapos na humingi ng augmentation itong mga LGU mula sa DSWD Eastern Visayas. Ito ang mga LGU na naapektuhan ng baha na dulot ng walang tigil na pag-ulan sanhi ng tail-end frontal system noong nakaraang linggo.

Sa pinakahuling tala, nakapagpadala na ang DSWD ng 4,850 na FFPs sa Eastern Samar – 1,000 sa Arteche, 1,000 sa Can-avid, 2,000 sa Dolores at 850 sa Jipapad. Patuloy naman ang produksyon ng FFPs sa DSWD upang matugonan ang request for augmentation mula sa iba pang mga munisipyo. Nasa P2,393,770.50 ang halaga ng pinadalang tulong ng DSWD. Naging katuwang naman ng DSWD ang DPWH at Office of Civil Defense sa transportasyon nitong mga FFPs at ang LGU sa pamamahagi nitong mga nasabing FFPs sa mga naapektuhang pamilya.

Sa ngayon, patuloy pa rin ang relief operations na isinasagawa ng mga LGU at ng DSWD.

#DSWDMayMalasakit

photo credits: Joseph Dela Peña