Nagtulungan ang mga lokal na pamahalaan at ang DSWD sa pamamahagi ng relief items para sa mga pamilyang naaepktuhan ng baha dulot ng walang tigil na pag-ulan sanhi ng tail-end frontal system noong Enero. Sa pinakahuling tala, nasa P1,417,673.00 na ang halaga ng tulong na naibigay ng mga Local Government Units.

Bilang suporta sa ginawang relief efforts ng mga LGU, nakapagpadala na ang DSWD Eastern Visayas ng 9,505 na mga Family Food Packs (FFPs) na nagkakahalaga ng P4,636,281 bilang tulong sa ilang munisipiyo sa Eastern Samar. Sa bilang na ito, 1,000 na FFPs ang naipadala sa Arteche, 1,000 sa Can-avid, 2,000 sa Dolores, 950 sa Jipapad, 1,000 sa Maslog, 1,000 sa Oras, 1,000 sa Sulat, at 1,555 sa Taft.

Alinsunod sa Republic Act 7160 (Local Government Code), ang unang sumasaklolo sa panahon ng sakuna ay ang lokal na pamahalaan sa pamumuno ng kanilang mayor o Local Chief Executive. Kung kinakailangan, maaring humingi ng karagdagang suporta ang LGU mula sa mga National Government Agencies katulad ng DSWD upang mas matugunan ang pangangailangan ng mga naapektuhan ng sakuna.
Patuloy naman ang isinasagawang mga relief operations.

#DSWDMayMalasakit

Photo credits: Joseph dela Pena