Tingnan: Patuloy ang DSWD Eastern Visayas sa produksyon ng Family Food Packs (FFPs) bilang paghahanda sa parating na mga bagyo. Ayon sa Officer-In-Charge ng Disaster Response Management Division ng DSWD na si Orville Berino, magpapatuloy ang repacking na ito hanggang maabot ng ahensya ang target na 20,000 na FFPs.

Bilang pangulo ng Food and Non-food Items (FNFI) cluster ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), isa sa mga tungkulin ng DSWD ang paghahanda nitong mga relief items na maaring ibahagi sa mga munisipyo na naapektuhan ng sakuna na nangangailangan ng suporta.

Sa kasalukuyan, may nakahandang 9,371 na FFPs ang ahensya. Sa bilang na ito, 300 ang naka-standby sa Biliran, 500 sa Allen, 900 sa Catarman, at 5,000 naman ang mula sa Visayasa Disaster Resource Center sa Cebu. Maliban dito, may non-food items na nakahanda ang DSWD. Kabilang dito ang 3,575 na malong, 2,244 na kitchen sets, 49 na sleeping kits, at 5,000 na hygiene kits.

#DSWDMayMalasakit