Kamakailan, ilang mga munisipyo dito sa Rehiyon VIII ang naapektuhan ng pagbaha dulot ng walang-tilgil na pag-ulan na dala ng Low Pressure Area.

Bilang paunang tulong, at bilang pagtugon sa hinihinging suporta ng mga naapektuhang Local Government Units, nagpadala ng 400 Family Food Packs ang DSWD Eastern Visayas. Sa bilang na ito, 200 ang dinala sa San Miguel, habang 200 naman sa Tolosa. Patuloy naman ang monitoring ng DSWD sa sitwasyon at pangangailangan ng mga LGU.

Patuloy ding sinisigurado ng DSWD na makaktugon ito sa mga request ng mga apektadong LGU sa pamamagitan ng patuloy na pagrerepack ng FFPs.

#DSWDMayMalasakit