Tingnan: Patuloy ang DSWD Eastern Visayas sa pamamahagi ng P,5000 Emergency Subsidy sa ilalim ng Bayanihan 2 (Bayanihan to Recover As One Act). Ngayong Pebrero, umabot na sa 30,560 na mga kwalipikadong benepisaryo mula sa iba’t ibang bahagi ng Rehiyon VIII ang nakatanggap ng kanilang P5,000 na ayuda. Sa kabuuan, P159,585,000.00 na ang naipamigay na tulong ng DSWD Eastern Visayas.

Samantala, patuloy naman ang DSWD Eastern Visayas sa pagsasagawa ng distribusyon ng Emergency Subsidy sa buong Rehiyon.

Ang Bayanihan 2 ay isang batas na layunin ay mabigyan ng tulong ang mga nakatira sa mga lugar na isinailalaim sa granular lockdown. Ito ang mga maliliit na lugar katulad ng barangay, sitio, purok, kalye, residential building o bahay na tinaguriang critical zone ng lokal na DILG (Department of Interior and Local Government) at sinang-ayunan din ng RIATF (Regional Inter-Agency Task Force).

#DSWDMayMalsakit

Photo credits: Ryan Esguerra