“Sa 32,912 na target beneficiaries natin, nasa 93% o 30,822 na mga benepisaryo na ang nakatanggap ng P5,000 na Emergency Subsidy sa ilalim ng Bayanihan 2. Kasama na dito ang mga nakatira sa granular lockdown at yung mga kwalipikadong pamilya na hindi nakatanggap noong Bayanihan 1. Nakapamahagi na tayo ng P161,335,000.00 sa buong Rehiyon VIII.” Ayon ito kay DSWD Assistant Regional Director for Operations Grace Subong, sa isinagawang interview ng Philippine information Agency.

Sa bilang na ito, 6,915 na mga benepisaryo ang nakatanggap mula sa Northern Samar, 18,016 mula sa Western Samar, 2,005 sa Eastern Samar, 2,777 sa Leyte, 728 sa Southern Leyte at 381 sa Biliran.

Inililinaw ni ARDO Grace na ang mga benepisaryo ng Bayanihan 2 ay ang mga kwalipikadong low-income na mga pamilya na nakatira sa mga lugar na isinailalim sa granular lockdown. Ito yung mga barangay, sitio, purok, kalsada, residential building o bahay na idineklarang critical zone ng Department of Interior and Local Government (DILG) at sinan-ayunan ng Regional Inter-Agency Task Force (RIATF). Kasama din ang hindi nakatanggap noong Bayanihan 1.

“Target naming na matapos itong Bayanihan 2 ngayong Pebrero. Para sa mga hindi pa nakatannggap ng kanilang ayuda, mayroon na tayong naka-iskedyul. Para sa mga may katanungan ukol sa iskedyul, maaring makipag-coordinate sa mga lokal na Social Welfare and Development Officer.

Patuloy ngayon ang isinasagawang distribusyon ng B2 Emergency Subsidy.

#DSWDMayMalasakit

Photo credits: PIA Eastern Visayas
Ryan Esguerra
Juel Ramos
Ruby Mueva