Maligaya naming pinapaabot na ang DSWD Field Office VIII ay isa sa mga nakakamit ng Pusong Maagap at Mapagkalingang Serbisyo Award sa taong 2020. Ito ay ipinahayag nitong Biyernes, Enero 29, 2021 sa pagtatapus ng isang buwang pagdiriwang ng ika-70 anibersaryo ng ahensiya, sa DSWD Central Office sa Quezon City.

Isang pagpatunay ng Rehiyon Otso na may pagmamalasakit sa mga nangangailangan ay ang pagbigay tulong sa 49 na migranteng manggagawa o OFWs sa iba’t-ibang bansa, nitong nakaraang taon. Isa sa mga serbisyo ng DSWD ay ang pagbibigay ng payo o counselling sa mga nag-uwiang OFWs, lalo na sa mga nakaranas ng pang-aabuso sa ibang bansa. Binigyan din ng tulong pinansyal para makapagsimula uli at magpondar ng hanapbuhay, at iba pang pangangailangan ng kani-kanilang mga pamilya.

Ang DSWD Field Office VIII ay nakapagmahagi ng Php340,00.00 para tulong sa nasabing OFWs.

Hinikayat ng DSWD Regional Director, Marie Angela Gopalan, ang mga kawani ng Rehiyon Otso na lalo pang pagbutihin ang serbisyo sa mga mamamayan kahit sa gitna ng pandemya, ngunit uli-uli niyang pinayuhan na sumunod pa rin sa mga health protocols, para sa kanilang kaligtasan.