Nakiisa ang DSWD Eastern Visayas sa ginanap na National Simultaneous Earthquake Drill (NSED) kamakailan. Sa ginanap na drill na ito, ipinakita ng mga kawani ng DSWD mula sa iba’t-ibang lokasyon ang dapat gawin kung lumilindol sa pamamagitan ng duck, cover and hold na estratehiya. Matapos nito, nagsagawa din ng mabilisan pero maingat na evacuation.

Isa sa mga sakuna na nakakaapekto sa Pilipinas ang lindol, subalit, hindi katulad sa bagyo, walang paraan upang mahulaan kung kailan ito mangyayari. Kaya bilang paghahanda laban sa mga lindol, taon-taon ginaganap ang NSED sa pangunguna ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) upang masanay ang lahat kung ano ang dapat gawin kapag lumidol. Pinapaalala ng NDRRMC, kasama ang DSWD, na kapag may lindol, dapat mag:
1. Duck – sumilong sa ilalim ng matibay na bagay
2. Cover- siguraduhing protektado ang katawan, lalo na ang ulo
3. Hold- hintayin na matapos ang lindol

#DSWDMayMalasakit
#OneDSWD
#FO8isGr8