pinakahuling tala ngayong Marso 11, 2021

Inaasahan ang pag-ulan at pagkulog sa Eastern Visayas dulot ng Low Pressure Area.

Bilang paghahanda, sinisigurado ng DSWD Eastern Visayas na may sapat itong relief items para sa magre-request na mga munisipyo.

Sa ngayon, may nakahandang 15,824 Family Food Packs (FFPs), 3,575 na mga malong, 2,153 Kitchen Kits, 497 Sleeping Kits, at 5,000 Hygiene Kits. Mayroon ding nakahandang P2,215,796.00 na standby fund na maaring gamitin upang makabili ng dagdag na sangkap para makagawa ng FFPs.

#DSWDMayMalasakit
#OneDSWD
#FO8isGr8