Ipinapapaalam ng opisina ng National Household Targeting System for Poverty Reduction o NHTS-PR o Listahanan ng DSWD, na sinisiguro nito na ang kapakanan ng mga kawani ay nabibigyang prayoridad, lalo na kung ang sahod nito ang pinag-uusapan.

Ipinahayag kamakailan ng namamahala ng NHTS-PR, na sa ngayon merong limang Area Supervisors ang hindi pa nakakuha ng sweldo sa pinagtrabahuan nila noong Validation and Finalization Phase na natapos noong December, 2020. Noong Pebrero lang sila nakapagsubmite ng DTR at Accomplishment Report.

Sa mga Enumerators, lahat ay nakakuha na ng kanilang mga sweldo, basi sa wasto, tama at kumpletong pagtatala sa Household Assessment Forms.

Ang mga enumerators ay ang nagbabahay-bahay para magkolekta ng impormasyon hingil sa sambahayan, gamit ang Household Assessment Form o HAF, upang masuri kung ano ang kalagayang pan-ekonomiya nila.

Paliwanag ni Leizel Astorga, ang namumuno ng Listahanan, kapag hindi kumpleto ang impormasyon o may mali sa HAF, ito ay binabalik sa enumerator. Isa rin ito sa mga kadahilanan kung bakit naantala ang kanilang sweldo.

Ang batayan ng sahod ng enumerator ay ang bawa’t porma o HAF na tama at kumpleto ang pagkagawa at na-encode o naipasok na sa database.

#DSWDMayMalasakit
#DSWDKalingaAtPagmamahal
#FO8IsGr8!
#OneDSWD