Pinatunayan ng LGU ng San Jose, Northern Samar na “functional” ang kanilang LOCAL SOCIAL WELFARE AND DEVELOPMENT OFFICE o LSWDO nitong nakaraang paghahanda sa Bagyong Bising.

Inaksyunan kaagad ang maiayos ang mga evacuation centers sa iba’t-ibang barangays. Sa 16 barangays, tatlong barangays ang may nakapag-evacuate na 29 pamilya o 107 ka tao.

Napag-alaman na ang munisipyo mismo ang nagbigay sa LSWDO ng 100 “standby relief food packs” para madaling makaresponde panahon ng krisis. Sabi ng Municipal Social Welfare and Development Officer – designate, Riza Horcasitas, 16 food packs na ang naipamigay sa mga evacuees.

Hinahangaan ng bagong DSWD O.I.C.-Regional Director ang lokal na pamahalaan at marami pang LGUs sa rehiyon, sa pagpatupad nito sa pagbigay ng mga serbisyong naayon sa SOCIAL WELFARE AND DEVELOPMENT.

Dagdag niya, ang DSWD ay nagbibigay ng tulong teknikal, sa pamamagitan ng mga trainings, upang magbigay ng impormasyon ukol sa tama at dekalidad na serbisyo para sa mga bulnerable at mahihirap na sektor.

Ang DISASTER RESPONSE ay isa sa mga programang nailipat sa LGUs, kung kaya’t ang LGUs ang unang tumutugon sa epekto ng bagyo, bago ang DSWD. Ang DSWD ay taga dagdag lang ng mga pangangailangan at taga gabay sa lokal na pamahalaan.# #DSWDMayMalasakit #DSWDKalingaAtPagmamahal