Ngayong araw, Abril 17, 2019, isinabatas ang Republic Act No. 11310 o 4Ps Law upang gawing permanenteng istratehiya ng gobyerno ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program sa pagsugpo ng kahirapan.

Makalipas ang dalawang taon ng pagpapatibay na ito sa 4Ps, pinatunayan natin na mas marami pang mahihirap na pamilyang Pilipino ang maaaring matulungan ng programa. At kasabay ng paggunita natin sa mahalagang pagdiriwang na ito, kinikilala natin ang malaking ambag ng ating mga benepisyaryo at katuwang na ahensya at organisasyon sa tagumpay ng ating implementasyon.

Bagamat tayo ay kasalukuyang nakakaranas ng krisis-pangkalusugang dulot ng COVID-19, naniniwala kami na sama-sama tayong babangon at aangat mula sa mga hamong ating ikinakaharap sa pamamagitan ng patuloy na pakikiisa at sama-samang pagkilos.

Mula sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program, maraming maraming salamat!