Taimtim na nakiki-isa ang DSWD Eastern Visayas sa paggunita ng Mahal na Araw, isa sa mga pinakamahalagang pagdiriwang ng Kristiyanismo.

Bilang pag-alaala sa mensahe ng Mahal na Araw na mahalin ang kapwa tao, patuloy ang DSWD na magbabahagi ng serbisyo ngayong Semana Santa.

Iilang opisina ng DSWD ang magkakaroon ng skeletal workforce na patuloy na tatanggap ng mga kliyente. Kasama dito ang Crisis Intervention Section, Disaster Response Management Division, at Administrative Division.

May inihanda ding relief items ang DSWD bilang preparasyon sa mga di-inaasahang pangyayari. Sa ngayon, may 15,505 na Family Food Packs (FFPs) ang DSWD na nakaimbak sa iba’t-ibang mga strategic na lokasyon sa buong rehiyon.

Sa bilang na ito, 12,805 na mga FFPs ang nasa Regional Resource Operations Section ng DSWD sa Palo, Leyte, 1,600 ang nasa Northern Samar, 100 sa Biliran at 1,000 sa Southern Leyte.

Ang mga relief items na ito ay handang ipadala sa mga magrerequest na munisipyo kung kinakailangan.

#DSWDMayMalasakit

#OneDSWD

#FO8isGr8