TINGNAN: Aabot sa 183 katao ang nabigyan ng ayuda mula sa Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) ng DSWD FO VIII sa ginanap na payout, kasabay ng paglunsad ng Malasakit Center sa Leyte Provincial Hospital, Palo, Leyte noong April 30, 2021.

Mayroong 65 na pasyente at 118 na empleyado ng ospital ang nabigyan ng nasabing ayuda na aabot sa tatlong libo kada tao, bigas at mga grocery items.

Ang mga emplyadong nabigyan ay mga job order (JO) na manggagawa na may buwanang kita na sampung libo pababa.

Ayon kay Paul Suyom, nagtatrabaho bilang isang security guard ng ospital at isa sa mga nakatanggap ng ayuda, napakalaking tulong nito para sa pambili ng araw-araw ng pangangailangan tulad ng pagkain para sa kanilang pamilya.

#DSWDMayMalasakit