Umabot na sa P8,880,745.11 ang halaga ng Family Food Packs (FFPs) na ipinadala ng DSWD Eastern Visayas bilang pagresponde sa bagyong Bising.

Sa pinakahuling tala, nakapagpadala na ang DSWD ng 1,000 na FFPs sa Catarman, 1,500 sa Catubig, 1,500 sa Palapag, 806 sa San Roque, 1,895 sa Laoang at 664 sa Pambujan sa Northern Samar, 2,500 sa Arteche, 923 sa Can-avid, 307 sa Hernani, 2,000 sa Jipapad at 2,500 Oras sa Eastern Samar, at 700 sa San Sebastian at 32 sa Paranas sa Western Samar. Sa kabuuan, nakapagpadala na ang DSWD ng 16,327 na FFPs sa 13 na mga munisipyo na humingi ng tulong mula sa ahensya matapos maapektuhan ng bagyo. Sa bilang na ito, 100% na ang nai-distribute naman ng mga Local Government Units (LGUs) sa mga benepisaryo.

Taos-puso namang nagpapasalamat ang DSWD sa mga naging katuwang nito sa relief operations para sa Bising. Kasama dito ang mga tumulong sa paghatid ng FFPs, katulad ng Office of Civil Defense, Armed Forces of the Philippines, Philippine National Police, Department of Public Works and Highways, mga LGUs at ang Provincial LGUs. Kasama din ang mga institusyon na nagpahintulot sa DSWD na gamitin ang kanilang mga pasilidad bilang imbakan ng FFPs, katulad ng Eastern Samar State University at ang University of Eastern Philippines. Dahil sa pakikipagtulungan ng mga ahensyang ito, naging mas mabilis ang pagresponde sa bagyong Bising.

📸 Ryan Carlo Esguerra

#DSWDMayMalasakit