Namahagi kamakailan ang DSWD Eastern Visayas ng P5,000 na Emergency Subsidy para sa mga “replacement” beneficiaries ng Bayanihan 2. Ito ang mga kwalipikadong benepisaryo ng Bayanihan 2 na hindi nakatanggap ng ayuda noong nakaraang distribusyon at ipinalit sa mga benepisaryo na natagpuang ineligible o hindi kwalipikado ayin sa guidelines.

Sa kasalukuyan, nakapamahagi na ang DSWD ng P585,000 sa 117 na mga benepisaryo sa Rehiyon. Kabilang dito ang 85 mula sa probinsya ng Leyte (52 mula sa Palompon, 20 sa Dagami, siyam sa Inopacan at apat sa Babatngon), at 32 mula sa probinsya ng Biliran (24 mula sa Naval at walo mula sa Caibiran). 

Laking pasasalamat naman ng mga benepisaryo sa natanggap na ayuda. Ayon kay Gina, isa sa mga benepisaryo, “malaking tulong ito para sa pamilya namin. Ngayon, may magagamit na ako para sa gastos sa pagpapa-ospital ng anak ko.”

Patuloy ngayon ang pamamahagi nitong pinansyal na tulong. 

#DSWDMayMalasakit
#OneDSWD