“Maraming salamat DSWD sa Emergency Subsidy na ito. Makakatulong ito sa aking mga anak, lalo na sa pag-aaral nila. Gagamitin ko ito para makabili ng load para sa online classes at para sa mga modules nila.”

Ito ang pahayag ni Mildred, mula sa Inopacan, Leyte. Isa siya sa mga replacement beneficiaries ng Bayanihan 2 (B2) sa buong Rehiyon na nakatanggap ng P5,000 na Emergency Subsidy. Ito ang mga ipinalit sa mga benepisaryo ng B2 na na-disqualify dahil natagpuang ineligible o hindi kwalipikado ayon sa guidelines. Inilista sila ng mga lokal opisyal itong mga benepisaryo at inindorse muna sa Municipal Social Welfare and Development Officer (MSWDO) para sa balidasyon bago ipasa sa DSWD para sa distribusyon.

Sa pinakahuling tala, nakapamahagi na ang DSWD Eastern Visayas ng P2,395,000 na Emergency Subsidy sa 475 na benepisaryo . Sa bilang na ito, mula sa probinsya ng Samar, dalawa ang nakatanggap sa San Jorge, 104 sa Sta. Margarita, 40 sa Catbalogan City, 95 sa Hinabangan, 60 sa Paranas at apat sa Pinabacdao. Sa Leyte, apat ang mula sa Babatngon, 20 sa Dagami, 77 sa Palompon, at siyam sa Inopacan. Sa Southern Leyte, isa ang mula sa Liloan, 45 sa St. Bernard, at 12 sa Sogod. Sa Biliran naman, siyam mula sa Caibiran, 13 sa Culaba at 24 sa Naval.

Sa ngayon, patuloy pa ring isinasagawa itong distribusyon.

#DSWDMayMalasakit