Pitong oras na byahe mula sa Tacloban City, matatagpuan ang munisipyo ng Laoang sa Northern Samar. Napapaligiran ito ng karagatan – ang Philippine Sea sa hilaga, at ang Dagat Pasipiko sa silangan, at maari lang itong maabot sa pamamagitan ng pagsakay ng mga maliliit na bangka.

Noong nakaraang buwan, isa ang Laoang sa mga naapektuhan ng bagyong Bising. Bilang pagresponde sa pangangailangan ng munisipyo, nagpadala na ang DSWD Eastern Visayas ng 1,895 na Family Food Packs (FFPs), ayon sa isinumiteng request ng lokal na pamahalaan.

Sa buong probinsya ng Northern Samar, ang DSWD ay nakapagpadala na ng 6,665 na FFPs.  Kasama rito ang iba pang mga munisipyo – 806 sa San Roque, 800 sa Catubig, 1,000 sa Catarman, 1,500 sa Palapag, 664 sa Pambujan. 

Maliban dito, nagpadala na rin ang DSWD ng 8,230 na FFPs sa probinsya ng Eastern Samar – 2,500 na FFPs sa Arteche, 307 sa Hernani, 2,000 sa Jipapad, 923 sa Can-avid, 2,500 sa Oras, at 732 naman na FFPs sa Samar – 700 sa San Sebastian, at 32 sa Paranas.

Sa kabuuan, umabot na sa P8,499,994.11 ang halaga ng FFPs na ipinadala ng DSWD Eastern Visayas sa mga munisipyong naapektuhan ng bagyong Bising na humingi ng tulong sa ahensya.

#DSWDMayMalasakit
#OneDSWD

photo credits: Jackielyn Irlandez