Katuwang ang Office of the President, namahagi kamakailan ang DSWD Eastern Visayas ng P3,000 na financial assistance para sa 500 na mga vendor, at mga driver ng tricycle, habal-habal, pedicab sa Alangalang, Leyte. Ang mga benipisaryong ito ang mga malubhang naapektuhan ang kabuhayan dulot ng pandemya, at ini-refer ng Office of the President at vinalidate ng Municipal Social Welfare and Development Officer (MSWDO) .

Ibinahagi ang financial assistance sa ilalim ng Assistance to Individuals in Crisis Situations (AICS). Sa kabuuan, nakapamahagi ang DSWD ng P1,500,000 sa isinagawang aktibidad.

Ayon kay OIC Regional Director Grace Subong sa kanyang mensahe para sa mga benepisaryo, “Sana makatulong ito sa inyo, lalo na ngayong may pandemya. Sana gamitin ang ayudang ito para matugunan ang inyong mga pangunahing pangangailangan.”

#DSWDMayMalasakit