Kumpleto na ang bilang ng inilabas na mga Family Food Packs (FFPs) ng DSWD Eastern Visayas para sa relief operations ng bagyong Dante. Ito ay matapos kunin ng lokal na pamahalaan ng Biliran, Biliran ang natitirang FFPs na nakalaan para sa kanila.

Sa kabuuan, nag-release ang DSWD ng 2,444 na FFPs bilang pagresponde sa bagyo. Sa bilang na ito, 1,408 na FFPs ang ipinadala sa Biliran, at 1,036 sa Maasin City, Southern Leyte. Tinatayang nasa P1,329,364.92 ang halaga ng mga FFPs na ini-release ng DSWD. Ang bilang ng mga FFPs na ipinadala ay ayon sa request na isinumite ng mga naapektuhang LGU.

Bawat FFP ay may laman na anim na kilong bigas, apat na corned beef, apat na tuna flakes, dalawang sardinas, limang cereal drink, at limang kape. Sapat ito para sa dalawa hanggang tatlong araw para sa isang pamilyang may limang miyembro.

Patuloy naman ang pakikipag-ugnayan ng Disaster Response Management Division ng DSWD sa mga naapektuhang munisipyo upang makakuha ng update sa pamamahagi nitong mga FFPs sa mga benepisaryo.

#DSWDMayMalasakit