Tingnan: Nag-release ang DSWD Eastern Visayas ng 300 Family Food Packs (FFPs) para sa munisipyo ng Lavezares, Northern Samar. Ito ay matapos mag-request ang LGU ng mga relief items upang maipamigay sa mga pamilyang apektado ng granular lockdown na ipinatupad sa munisipyo upang mapigilan ang pagkalat ng COVID19.

Bawat FFP ay naglalaman ng anim na kilong bigas, apat na corned beef, apat na tuna flakes, dalawang sardinas, limang cereal drink at limang kape. Ito ay sapat para sa dalawa hanggang taltlong araw para sa pamilyang may limang miyembro.

Sa ngayon, patuloy ang DSWD sa paghahanda ng FFPs upang makatugon sa mga request ng mga munisipyong naapektuhan ng COVID19. Kamakailan, nag-release din ang DSWD ng FFPs para sa Tacloban City at Tolosa sa probinsya ng Leyte at Matuguinao sa Samar.

📷 Rey Peñaranda

#DSWDMayMalasakit